Kung mananatili man akong mag-isa sa buhay hindi iyon problema dahil masgugustuhin kung mamuhay mag-isa upang magkaroon naman ako ng katahimikan sa buhay. Darating naman talaga tayo sa punto na hihiwalay na tayo sa ating mga magulang ikaw nalang ang tatayo mag-isa para sa sarili, kailangang mag-sikap upang makamit ang mga nais gawin sa buhay. Maraming nagsabi sa akin na marahil ay mabubuhay akong walang karamay at doon sila nagkakamali dahil alam ko sa sarili ko na may Panginoon na kalian man hindi ako iniwan. Oo, nandiyan iyong pamilya natin para bigyan ng kulay ang ating buhay, sila iyong mga taong magpatatag ng loob mo sa panahon na mahina ka, sila ang mga taong handa kang taggapin kahit gaano ka pa ka bangis. Pero tandaan natin na hindi lamang sila ang nandiyan para sayo, nandiyan din iyong Panginoon na handing ituwid ang baluktot mong nakaraan, handang bigyan ng liwanag ang madilim mong daan. Para sa akin siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban, kung bakit ako maslalong tumatag sa buhay, kung bakit maslalo akong nagsikap upang maabot ang aking mga pangarap. Sa kanya ako kumapit noong mga panahon na wala akong makakapitan, sa kanya ako kumuha ng lakas noong panahon nang ako ay mahina, sa kanya ko inasa ang aking mga problema at masasabi kong epektibo talaga kung ang Panginoon lagi ang nasa sentro ng buhay mo dahil makakayanan mong harapin lahat ng pagsubok na darating sa buhay.
He is my strength, my savior, my king, my GOD !!!

Comments
Post a Comment