“Ganting Galaw sa mga Teoryang Pampanitikan”
Teoryang Queer
Girl,Boy,bakla,Tomboy
ni Noel Lapuz
Natutunan:
Bilang isang mamamayan dapat nating
respituhin ang bawat isa. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na manghusga
ng ibang tao sa ating lipunan. Isipin nating mabuti na ang bawat isa sa atin ay
karapat dapat na respituhin. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa
pagkapantay-pantay ng karapatan at labanan ang diskriminasyon sa mga LGBT o
yung mga nabibilang sa ikatlong kasarian tulad ng bakla at tomboy. Sana’y huwag
natin silang laitin o maliitin, kahit na ganyan ang kasarian nila ay karapat
dapat parin silang respituin. Dapat pantay ang pagtingin natin sa isa’t-isa
dahil wala tayong karapatang humusga sa buhay na pinili nila,panginoon lang ang
tanging maykarapatan na humusga sa kanyang mga nilikha. Ang dapat nating
pairalin ay ang pagmamahal natin sa ating kapwa at ang pantay na pagtingin sa
lahat ng tao sa ating lipunan.
Reaksyon:
Ang kwentong ito ay angkop sa teoryang queer, sapagkat ito ay tumutukoy
sa pantay-pantay na karapatan ng bawat isa at upang labanan ang diskriminasyon
sa mga LGBT. Masasabi ko ring angkop ito sapagkat nakalahad sa kwentong ito ang
matinding diskriminasyon na natatanggap ng mga taong nabibilang sa ikatlong
kasarian. Ano bang pakialam ng iba kung ganyang klaseng kasarian na mayroon
sila? Hindi natin mapipigilan, dahil alam nilang doon sila sasaya. Ang tanging
magagawa lang natin ay respituin sila at bigyan ng kalayaang maging masaya sila
sa buhay na pinili nila. Dapat nating ipalaganap sa bawat isa na dapat tayong
magkaisa at bukas palagi ang ating isipan sa lahat ng pagbabago na nangyayari
sa ating lipunan. Napakaganda ang mensahe na hatid ng kwentong ito dahil nais
nitong iparating sa lahat na hindi tama ang manghusga ng kapwa,hindi tama na
ipagpatuloy ang diskriminasyon dahil marami tayong maaapakan at masasaktan tao
nito.
Teoryang
Naturalismo
Walang Panginoon
ni Deogracias
Rosario
Natutunan:
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay ang pagpapahalaga sa dignidad ng ating
pagkatao. Hindi maganda ang magtanim ng galit sa sarili at gumawa ng
paghihiganti sa mga taong nang-aapi sayo.Kung may gusto man tayong gawin sa
buhay dapat muna nating isiping mabuti kung ito ba ay tama o mali. Kailangan
nating pagdesisyunan ng maayos ang mga bagay na nais gawin sa buhay. Huwag
tayong gumawa ng desisyon na magdudulot ng kapakahamakan sa iba,dahil hindi
natin alam kung ano ang magiging kapalit nitong parusa na nais ipataw ng diyos
sa atin. Ang teoryang naturalism ay mayroon pananaw na nagsasabing ang buhay tila
marumi, mabangis at walang awang kagubatan. Sa gitna ng mga unos na dumaan o
dadaan pa lamang sa ating buhay, huwag tayong sumuko dahil lahat ng problema ay
may kaaakibat na solusyon kung taimtim tayong mananalig sa panginoon. Huwag
nating hayaang sirain ng mga mabangis na alon ang buhay natin. Maging positibo
tayo sa ating mga sarili at dalhin ang pag-asa na siyang magbibigay ng lakas
upang maging matapang at matatag sa paglutas ng mga problemang ating
kakaharapin sa buhay.
Reaksyon:
Hindi ko nagustuhan ang ginawang paghihiganti ni Marcos, alam naman
talaga natin na si Don Teyong ay isang malupit na tao, ngunit wala parin tayong
karapatang gumawa ng paghihiganti sa ating kapwa. Sana’y hinayaan nalang niya
na ang diyos na misamo ang magpaparusa sa kanyang mga kamaliang nagawa sa buhay
sa at kanyng kapwa. Kahit pa ginamit
niya ang kanyang kalabaw sa kanyang paghihiganti ay hindi parin tama ang
kanyang ginawa. Kahit gaano pa kabangis o kalupit ng tadhana sa atin hindi
nating masisisi ang diyos. Marahil nais niya lang talaga tayong subukan, nais
niyang sukatin kung gaano kataas ang pasensya na mayroon tayo o kaya’y nais niyang
sukatin kung hanggang daan ang pananalig mo sa kanya. Kadalasan kasi sa mga
taong dumadaan sa matinding problema ay humihinto narin sa kanilang
pananampalataya sa diyos, huwag nating sisihin ang panginoon dahil hindi niya
nais na Makita niya tayong nahihirapan handa siyang tumulong sa atin ng walang
hihingin na kapalit. Kung susuriin talaga natin ang kwento, ito ay nag-iiwan sa
atin ng maraming aral na pwede nating mailapat sa totoong buhay. At ito rin ay
nagpapamulat sa mga pang-aapi at pang-aabuso ng mga taong walang ibang magawa
kundi ang mang-apak ng kapwa.
Teoryang
Realismo
Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino
ni Eros Atalia
Natutunan:
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay kailangan nating maging maalam sa
buhay,magsikap tayo upang umahon sa kahirapan. Lahat tayo ay may kakayahang
umahon sa hirap kung tayo ay magsisikap. Hindi tama na kumapit tayo sa patalim
dahil magdudulot sa atin ito ng kapakahamakan sa sarili. Sadyang may mga
pagkakataon talaga na hindi maiiwasan ang ganitong pamamaraan dulot ng
matinding kahirapan. Subalit kung maaari iwasan natin ang ganitong klaseng
pamamaraan dahil sa bandang huli tayo rin lang naman ang magsisisi. Lahat ng
pangyayari sa kwentong ito ay totoong nagyayari sa ating lipunan. Ito ay napapabilang
sa teoryang realismo dahil tumutukoy ito sa mga totoong pangyayari na nakikita
ng may-akda sa ating lipunan.
Reaksyon:
Ang kwentong ay angkop sa
kanilang naatasang teorya,pero masmaganda sana kung napili nila iyong
pinakamatinding suliranin na nangyayari sa ating bansa ngayon. Maganda sana
kung tungkol ito sa druga, na kung saan ito ang pinakamainit na isyu sa ating
lipunan. Pero sa kabuuan angkop naman talaga ang kwento sa teoryang realismo,
dahil mulat naman talaga tayo sa matinding kahirapan na nangyayari sa ating
bansa. Sana naman mamulat narin ang mga buwayang opisyal dahil sila ang dahilan
kung bakit maslalo tayong naghihirap ngayon. Ang mga opisyal ng gobyerno ay
patuloy na nagpapakayaman sa pera ng taong bayan,at ang mga mamamayan ng
Pilipinas ay maslalong naghihirap dahil sa mga makasariling kawani ng gobyerno
na nanungkulan sa ating bansa. Ang masasabi ko lang na kahit pa gaano tayo
kahirap sa buhay huwag nating gawin ang mga bagay na pwedeng magdala sa atin sa
kapakahamakan dahil marami naming paraan kung paano natin labanan ang matinding
kahirapan. Maganda ang kwentong ito dahil hatid nito’y magandang aral sa lahat
ng mga mambabasa .
Teoryang
Markismo
Sandaang Damit
ni Funny A.Garcia
Natutunan:
Ang kwentong ito ay naghahatid sa atin ng magandang aral tungkol sa
magagandang asal. Ang pagsisinungaling ay isang kasalanan,na hindi natin
pwedeng payabungin sa ating mga sarili.
Dapat itatak natin sa ating isipan na hindi mabuti ang pagsisinungaling
dahil wala nang taong magtitiwala sa atin kung ganito ang ugali na mayroon tayo.
Ipakita natin sa lahat na kaya nating umangat sa buhay dala ang mga magagandang
asal na minana natin sa ating mga magulang. Dahil kung malinis ang kalooban mo
maraming taong tutulong sayo at handa ka pang damayan sa mga problema sa buhay.
Reaksyon:
Masasabi kong hindi angkop ang kwentong ito sa teoryang markismo dahil
kung susuriin talaga natin ang kwento wala namang nangyaring pag-angat sa buhay
ng pangunahing tauhan sa kwento. Malayo sa pananaw ng teorya ang kwentong
kanilang napili. Subalit sa kwentong ito, marami talaga tayong aral na
mapupulot. Mga aral na magpapamulat sa atin kung ano ang tama o mali. At sana
matigil na rin ang diskriminasyon o bullying, dahil isa ito sa mga dahilan kung
bakit kailangang magpanggap o magsinungaling ang isang tao marahil hindi na
niya nakayanan ang subrang panglalait ng mga tao sa kanyang paligid.
Teoryang Imahismo
Ang Relis sa Tiyan ni Tatay
ni Eugene Y.
Vasco
Natutunan:
Sa kwentong ito nakikita ko ang katangian ng aking ama sa ama ng bata.
Hindi madali ang maghanapbuhay para tustusan ang pangangailangan ng pamilya,bilang
isang anak kailangan nating suklian ang paghihirap ng ating mga magulang. Dapat
nating mahalin sila dahil tanging ang pagmamahal ng isang anak ang siyang
magpapalakas ng kanilang loob. Sa kwentong ito ang imahen na ginamit ng
may-akda ay ang balat na makikita sa tiyan ng ama. Ito’y tumutukoy sa
kadakilaang ginawa ng ama para lang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya at sa
dahil sa pagbibinta ng kanyang bato nailigtas niya rin ang buhay ng isang taong
nangangailangan. Napapabilang ito sa teoryang imahismo dahil gumagamit ito ng
imahen na higit na maghahayag damdamin,saloobin, ideya at iba pa na nais
ipahayag ng may-akda na higit na maunawaan kaysa gumamit ng mga karaniwang
salita.
Reaksyon:
Masasabi kong angkop ang akda sa teoryang
imahismo dahil gumagamit ito ng imahe sa kwento. At ang layunin ng teorya ay
akma sa kwentong ito dahil gumagamit ito ng imahe at ang ginamit na imahe dito ay
ang balat na nasa tiyan ng ama na sumasagisag sa kanyang kadakilaan at
pagkamatiisin. Alam naman talaga natin na walang hindi kayang gawin ng isang
ama para sa kapakanan ng pamilya. Kagaya nalang sa kwentong ito na ibinenta ang
sariling bato ng ama upang maitawid sa hirap ang kanyang pamilya. Para sa akin
ang mensahe ng kwento ay para sa mga anak na dapat mahalin at pahalagahan natin
ang paghihirap na ibinuwis ng ating mga magulang at dapat natin silang igalang
at sundin ang kanilang mga payo dahil para lang naman rin iyon sa ikakabuti
natin.
Teoryang Bayograpikal
Mga Ala-ala ng Isang Mag-aaral sa
Maynila
ni P. Jacinto
Natutunan:
Sa akdang ito dito ko nalaman ang tungkol sa buhay ng ating pambansang
bayani na si Gat. Jose Rizal. Hindi pala madali ang kanyang mga nararanasan
noong siya ay nag-aaral sa maynila. Sa kabila ng mga problema nagawa parin
niyang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap sa buhay. Isa siya sa nagging
inspirasyon ko sa aking pag-aaral ngayon sa kolehiyo,dapat huwag magpadala sa
mga problema, hindi dapat tayo matakot sa mga unos ng buhay dahil ito ang
magpapalakas ng ating sarili para makamit natin ang tunay na tagumpay. Nalaman
ko rin na ang akdang ito ay napapabilang sa teoryang bayograpikal dahil
inilahad dito ang mga pangyayaring nangyari sa kanyang pag-aaral sa maynila.
Reaksyon:
Ang akdaing ito ay angkop sa teoryang
bayograpikal na may layunin na kung may unang
dapat mabatid ang isang mambabasa, ito ay ang buhay ng may-akda. Dito, mababasa
at malalaman natin ang mga mahahalangang pangyayari sa buhay ng may-akda na
nagsilbing gabay niya o nagmulat sa kanyang magsulat. Angkop ang akdaing ito
dahil nailahad niya ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Gat. Jose Rizal.
Nakakamangha talaga ang katalinuhan ng ating pambansang bayani ito iyong
ginamit niyang sandata sa pakikibaka niya sa panahon ng pananakop ng mga
dayuhan sa ating bansa, karapat-dapat lang siyang itanghal na pambansang bayani
dahil sa mapayapa niyang pakikibaka noong panahon ng pananakop ng mga kastila
sa ating bansa.
Teoryang Formalistiko
Sandaang Damit
ni Funny A.Garcia
Natutunan:
Ang natutunan ko sa kwento ito
dapat makontento tayo sa mga bagay na meron tayo. Huwag nating ikahiya ang
katayuan natin sa buhay, kailangan ipagmalaki natin ito. Ang tunay na yaman ay
ang pagkakaroon ng masaya at mapagmahal pamilya, sila ang tunay na yaman na hindi
kayang tumbasan ng pera. Hindi mabuting gawin ang pagsisinungaling lalo-lalo na
sa mga bata dahil maaari nilang madala ang katangiang ito sa kanilang paglaki.
Sa mga magulang o kapatid dapat natin silang turuan ng magandang asal na pwede
nilang dalhin sa kanilang paglaki. Nalaman ko rin na ang kwentong ito
napapabilang sa teoryang formalistiko dahil direkta at malinaw ang paglalahad
ng kwento na hindi na kailangan ng malalimang pagsusuri.
Reaksyong:
Masasabi kong angkop ito sa teoryang formalistiko dahil nakabatay talaga
ito sa layunin ng teorya na dapat iparating ang buong kwento ng deretso at malinaw
na paglalahad gamit ang kanyang tuwirang panitikan na hindi na kinakailangan ng
malalimang pagsusuri. At ang masasabi ko sa kwentong ito ay kailangan talaga
nating makuntento sa buhay, at sa mga taong mahilig manglait ng kapwa huwag
niyo naman sanang maliitin ang isang taong alam niyo na naghihirap talaga sa
buhay. Sana’y respituin natin sila at palakasin ang kanilang loob,nang sa ganun
ay maging ganado silang gumawa ng hakbang sa kanilang pag-unlad sa buhay.
Teoryang
Humanismo
Paalam sa Pagkabata
ni Nazareno D. Bas
Natutunan:
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay ang
pagbibigay ng pagkakataon na patawarin ang mga taong nagkasala sa akin. Alam
naman natin na hindi talaga madaling magpatawad pero kung iisipin natin ang
pagpapatawad na ginawa ng diyos sa atin, isang amang pinatawad lahat ng
kasalanan ng kanyang mga anak sa mundo. Sino ba ako? Para magtanim ng galit sa
mga taong nagkasala sa akin kung napatawad tayo ng panginoon dapat turuan din
natin ang ating mga sarili na patawarin sila dahil alam ko na lilipas at
lilipas din ang lahat ng sakit na nararamdaman sa nakaraan. Ang kwenttong ito
ay kabilang sa teoryang humanismo na ang layunin ay magbibigay halaga sa dignidad ng tao kabilang nito ang kanyang isip at
damdamin. Ibig sabihin nito kailangan nating pahalagahaan an gating pagkatao
gayun din ang ibang tao.
Reaksyon:
Hindi ko nagustuhan ang
ginawang pananakit ng ama sa bata. Alam naman natin ang katangian ng isang bata
dahil dumaan din tayo nito. Hindi naman kailagang saktan ang bata at isa pa
walang naming nagawng mali ang bata dito. Hindi niya sinasadyang makaslubong
niya ang lalaking kamukhang-kamukha niya sa bahay pawid. Kung nagkamali man
siya sapat naman siguro kung pagsasabihan lang siya na huwag na niyang uliting
pumunta doon. Hindi rin kasalanan ng bata ang nangyari sa kanyang ina. At para
sa mga magulang huwag niyong idamay ang inyong mga anak sa mga kasalanan nagawa
niyo, kung gusto niyong maging maayos ang pakikitungo ng inyong mga anak dapat
niyo rin silang mahalin at bigyan ng sapat na oras dahil iyon lang ang
kailangan nila para maramdaman nila na mahalaga sila sa inyo. Angkop ito sa
teoryang humanismo na ang layunin ay bigyan halaga ang dignidad ng tao kabilang
na nito ang kanyang isip at damdamin.
Teoryang Feminismo
Nanay Masang sa Calabarzon
ni Sol F. Juvida
Natutunan:
Natutunan ko kung paano ipaglaban
ang aking karapatan bilang isang babae. Hindi lingid sa ating kaalaman na noong
panahon maliit lang talaga ang tingin ng pamahalaan sa mga kababaihan. Hindi
binigyan ng karapatan ang mg kababaihan na manungkulan sa pamahalaan. Sa
kwentong ito ipinglalaban talaga nila ang kanilang karapatan, walang takot na
hirap ni aling masang ang armadong lalaki dahil alam niyang nasa katwiran siya.
Sa panahon natin ngayon pantay na ang pagtingin sa mga kalalakihan at
kababaihan. Kung anong pwedeng gawin ng mga lalaki maaari narin itong gawin ng
mga babae.
Reaksyon:
Ang kwento ay tungkol ito
sa mga kababaihan na ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa isang sakahan.
Dapat lang nila itong ipaglaban dahil matagal na silang nagtatrabaho sa
sakahan. Ito’y minana pa nila sa kanilang mga namayapang magulang. Hindi basta
bastang mapapa-alis ng mga grupo ng kalalakihan ang mga tao sa sakahan dahil
nga matagal na sila ditto. Si aling masang ang naglakas loob na mamuno sa
kanilang plano upang hindi matuloy ang balak ng grupo ng kalalakihan. Ito’y
angkop sa teoryang feminismo dahil ipinapakita sa kuwento ang kalakasan at
kakayahan ng babae na mamuno at ipagtanggol ang kanyang karapatan sa lupaing
sinasaka at kinalakihan
Teoryang Klasisismo
Ang Tondo Man May Langit Din
ni Andres Cristobal Cruz
Natutunan:
Ang pag-ibig ay kusang nararamdaman ng isang taong umiibig. Ang tunay na
pag-ibig ay walang basihan. Hindi basihan ang estado ng pamumuhay, mukha o ang
pag-uugali ng isang tao para mahalin siya ng taong nagustuhan niya. Dapat
marunong tayong maghintay sa tamang panahon dahil kusa itong dadating sa atin. Huwag
nating madalin ang mga bagay dahil baka sa huli ikaw rin lang naman ang
magsisisi. Sa kwentong ito may roon dalawang taong nag-iibigan na iba ang
estado sa kanilang buhay ang ganitong klaseng sitwasyon ay napapabilang sa
teoryang klasisismo na may layuning maglahad
ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan.
Reaksyon:
Para sa akin hindi basihan ang estado ng buhay
sa kanilang pag-iibigan. Kung mahal ka talaga ng kasintahan mo kaya kang
ipaglaban nito kahit ano pa ang mangyari. Hindi ka basta-bastang susukuan ng
taong minahal ka ng totoo.Walang mahirap o mayaman sa larangan ng pag-ibig,
saludo ako kina Alma at Victor dahil ipinaglalaban talaga nila ang kanilang
pagmamahal sa isa’t-isa.Angkop ito sa teoryang klasisismo na naglalayun ito sa
dalawang nag-iibigan na magkaiba ang estado sa buhay.
Teoryang
Ekspresyunismo
Caregiver
ni Chito S. Rono
Natutunan:
Ang nakuha kong
aral sa kwentong ito ay dapat magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Pangarap na
kaya mong panindigan at tuparin sa paglipas ng mga panahon. Kailangan nating
kumayud ng mabuti para sa pamilya natin. Kung isa ka sa mga taong may pangarap
sa buhay tiyak na aasenso ka, subalit sa panahon masnangingibabaw ang katamaran
ng mga tao. Isa sa mga halimbawa nito ay dapat ang ama ang kumakayod sa pamilya
subalit isang kabaliktaran ang nangyayari ngayon, kadalasan ang babae o ina na
ang kumakayod ng mabuti para sa pamilya habang ang ama ay nasa bahay na lamang.
Sa kwento hindi madali ang mag-alaga ng matanda, dapat talaga na magkaroon ng
mataas na pasensya para magampanan natin ng maayos an gating trabaho. Sa
pelikulang Caregiver, mabubuksan ang nakapikit at nahihimbing na kaisipan na
maling iyon lamang ang papel na ginagampanan ng isang tagapag-alaga. Tulad sa
pelikula na nagsisilbing isang repleksyon na sumasalamin sa lahat ng uri ng
tungkuling ginagampanan ng libo-libong OFW.
Reaksyon:
Saludo ako kay Sarah dahil nagampanan
niya ng maayos ang kanyang trabaho. Kung ako siguro sa sitwasyon niya hindi ko
kayang tiisin ang ugali ng matanda, dahil naranasan ko na ring mag-alaga ng
matanda. Di madali dahil nangangailangan talaga ito ng mataas na pasensya. Ang ugali
kasi ng mga matanda ay napakasumpungin at madali itong magalit. Kung wala pa
sanang pagmamahal si Sarah sa kanyang trabaho marahil huminto na siya sa
pagiging caregiver, pero dahil nga
mahal niya ang trabaho niya nagtiis siya hanggang sa dumating sa punto na
nakuha niya ang loob ng matanda dahil sa kanyang pagiging mabuting
tagapangalaga. Saludo ako kay Sarah dahil nagampanan niya ng mabuti ang
pagiging caregiver sa ibang bansa, at
medyo nalungkut ako dahil ipinagpalit niya ang kanyang propesyon bilang isang
guro sa pagiging caregiver. Kung
ipinagpatuloy siguro niya ang pagtuturo sa ating bansa marami na sana siyang
natulungang mga bata. Masasabi kong angkop ito sa teoryang ekspreyunismo na ang
layunin ay walang pagkabahala ng ipinahahayag ng manunulat ang kanyang kaisipan
at nadarama.
Teoryang
Romantisismo
Sayang na Sayang
ni Epifanio G.Matute
Natutunan:
Ang
nakuha kong aral sa kwento ay ang pag-iibigan ay matamis pa iyan sa simula.
Dadating kasi sa punto na mayroon talagang bibitaw sa relasyon niyo, dapat sa
ganitong pangyayari kailangan nating ihanda natin ang ating sarili at damdamin.
Kung papasok ka talaga sa larangan ng pag-ibig dapat hand aka sa lahat na
pwedeng mangyari,sa relasyon kasi maaari kang maging masaya at maging malungkot
dahil sa subrang pagmamahal na ibigay mo sa isang tao na akala mo siya na
talaga. Sa kwentong ito labis-labis na nasaktan ang lalaki dahil nabigo siya sa
kanyang pag-ibig sa babae, pero dapat huwag nating ikulong ana ating puso at
sarili sa iisang tao lamang, kailangan nating palayaan ang ating puso at sarili
upang mawala lahat ang sakit na nararamdaman.
Reaksyon:
Hindi naaman talaga natin maiiwasan ang
masaktan lalo na kung papasok tayo sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Ang
tanging masasabi ko lang na kahit gaano paman kasakit ang bakas ng iniwan ng
pag-ibig sayo huwag kang mawalan ng pag-asa dahil dadating at dadating rin
iyong tamang tao na mamahalin ka ng husto. Dapat matuto tayong maghintay,huwag
nating madaliin ang mga bagay-bagay na iyan. Payo ko lang sa mga sawi sa
pag-ibig diyan na kalimutan niyo na ang mga ala-ala ng inyong kahapon at ituon
ang sarili sa paggawa ng makabuluhang bagay na makakatulong sa paghilom ng mga
sugat na niwan ng kahapon. Maganda ang mensaheng iniwan ng kwentong ito lalo na
sa mga taong sawi sa pagmamahal at angkop rin ito sa teoryang romantisismo na
ang layunin ay pahalagahan ang damdamin ng isang tao.
Comments
Post a Comment